Friday, October 13, 2006
family happy happy

Nakaalis na rin sila tito mike pabalik sa US. pero bago un, nagkaron muna ng konting salu-salo ang mga padillas dito samen. Grabe andami. buti nagkasya twenty people sa isang maliit na condo.. heeehe..

we celebrated tito mike's birthday, eat pinoy food that we instantly all bought everywhere around here (sandy's, red ribbon, enterprise), watched old family videos, gitarahan.. haay. fun fun fun bonding at such a small space.

[pic next time]

Posted at 06:25 pm by tomatothoughts
may (2) humirit  




Wednesday, October 04, 2006
life-changing week

Super daming nangyari last week! maliban sa pagpanaw ni lola, anjan ang bagyong milenyo sinalanta ang pinas! Grabe talaga... i have seen the billboards along edsa at mga puno / debris / street and traffic lights sa ayala, been there nung after bagyo at super trapik!! (papunta kasi kami burol nun) I thank God for still sparing us from mass calamity.

Si lolo naman, sinugod sa ospital. Dala ni milenyo ang kawalan ng kuryente kaya hindi siya ma-suction sa bahay. Wala pang hangin. Nilagnat tuloy. cry

Sa kasagsagan ng bagyo rin naman nanganak si tita guy. And it's another girl! Milenya ang pangalan. hahaha! joooke. yaki naman kung un. hahaa! Shane Ann siya,  sis nila tintin (pic here) at tiftif (pic here)! Big Smile

After bagyo naman nang pasukin ng magnanakaw ang aming bahay sa Laguna. Surprise Tulad niyo, wala rin kasing kuryente, tubig at telepono nung mga oras na iyon. Ang mga kapitbahay naman namin eh nakikisalok lahat sa poso namin sa likod ng bahay. Eh walang tao dun.. bumabalik-balik lang ung si tito June (na nakatira malapit dun) para tignan-tignan ung bahay. Basta nakita na lang nila (mga kapitbahay and tito) na may dalawang lalaki (16 yo daw) sa 2nd floor room namin sa likod. Mabuti na lang at dun lang sila nakarating. Hindi sa looban. Marami kasing lock / doors papasok ng bahay eh. Kumbaga outer level lang ang napasok nila. Aiun, binugbog nila ang isa at dinala sa baranggay, ung isa naman nakatakas. Hindi ko alam kung maaawa ako or ewan. Kasalanan naman nila un. Its their consequence.

Friday ata un nangyari, at saturday umuwi ng laguna sila mommy. Pumunta rin sila sa baranggay at kinausap ung bata. Ewan ko na.

[magnanakaw pic next time]


Anu ba yan!! Grabe. what a week di ba? Kahit 4 days no classes. Araw-araw na pagod at puyatan pa rin. Pero life-changing.

Posted at 09:41 pm by tomatothoughts
hirit ka?  




Tuesday, October 03, 2006
we'll see in heaven

We were supposed to have a family reunion, birthday party of lola, tito ariel, and daddy and despedida of tito ariel (who will be leaving tomorrow) last saturday here at our condo deck / pool area. But sad to say, di natuloy. Wednesday ng madaling-araw nang isugod si lola sa ospital. Dadalawin namin si lola nung kagabihan, pero di na namin siya naabutan. cry 7pm kami umalis ng condo dahil color-coding, and mga 7:20pm tumawag si tito eric samin.

Sandali lang kaming nag-stay sa ospital dahil di na rin namin makikita si lola -- inaaios na daw siya, so punta naman kami sa punerarya para asikasuhan ung burol. Lahat sila tito at tita andun din. Inabot kami halos ng pasado 12am.

Fast forward.

The 7th day was libing. Kahapon un. 7am ginanap, so di ako naka-attend dahil may klase ako. Can't afford to absent e. Pero ok lang un, hindi naman si lola ung nilibing namin eh, body na lang niya un.

Moving on as a family, nalulungkot kami hindi dahil pumanaw na si lola but because we miss her knowing that we can't be with her in this world anymore. Nanghihinayang ako sa dapat na gathering namin nung saturday dahil sabi niya kay daddy over the phone, she wants us to allot her time to deliver a speech (maybe a thank you speech) for everyone. And she's serious. She even told dad that we will have a community singing on that day (woah), and all of us magpi-pinsans are assigned to sing this and that, and play musical instruments like flute for Joyce and Joseph, organ, drums, etc. You know the last thing that she bought sa mall (that monday)? A flute for tintin! (sira kasi ung sa kanya) Pati ung video camera hinahanapan niya pa ng pagawaan para ma-record daw ung gaganaping saturday event. Dun siguro siya napagod. Libutin ba naman ung buong mall!

Sayang. We should've done it earlier.

But personally, hindi na ako masyado nagi-grief ngayon. Lola is better off now. Im super glad and kampante dahil she's in heaven now.

Posted at 09:05 pm by tomatothoughts
hirit ka?  




Thursday, September 21, 2006
my celebrity look-alikes

nakakatuwa ito. natutunan ko kay raymond.Big Smile



another one

Posted at 09:17 pm by tomatothoughts
hirit ka?  

tomb treasure

Hahaha hanggang ngaun binubuksan ko pa rin neopets ko. hahaha. And lo and behold,, naka-tsamba ako ng treasure sa deserted tomb for the FIRST TIME! anhirap kaya taymingan nun.

==============
Deserted Tomb

You slowly make your way through the opening and into the awaiting darkness. The door slams shut behind you. How unexpected.

---
The tomb presents you with quite a challenge over the next few days. Luckily, you've brought plenty of provisions and have cleverly made your way through every trap you've come across. Your mum would be proud.

Finally, after decyphering all the secrets of the tomb, you're led to the treasure chamber.

EUREKA!

You've found it. You've found the treasure of the Lost City of Geraptiku. People you've met once will now be writing to you asking to borrow Neopoints. It's every Neopian's dream.

You search through the treasure and take back what you can carry.


You also stuff 1,313 Neopoints in your pockets!

Posted at 09:05 pm by tomatothoughts
hirit ka?  




Wednesday, September 20, 2006
race for your everything's right

Super napagoooood ako kanina!

Pano ba naman.. na-trip-an naming sumali sa amazing race sa school! Ung Race for Your Rights na pakulo nila every year. Ako, jeremy, cris at marco! hahaha,, go boys! sayang naman at di namin naabutan ung big CED boys.. ambilis nila. 2nd lang tuloy kaming group [apat naman kami,, ndi dalawa!]. Sayang talaga.. 2k pa naman premyo! tsk3. hehehe.. sayang.. dapat kasi ginawa na lang 1500 sa 1st place, para kahit may 500 man lang sa 2nd! hahaha. pero ok lang, consolation price naman namin ay one bag of food -- chocolates and tsitsirias! sakin napunta ung toblerone at pack of chocnut.Big Smile hehehe yummmmmm...

nywei, i just love this song [to make a connection with the title]Shades


Everything's Right
Matt Wertz

Windows down as the night blows in
Tap the beat on the wheel as the tires spin
Until we're there crank the radio
We'll join in with the songs we know

Hey, everything's right, said everything's right tonight
Hey, everything's right, said everything's right tonight

Smiles light up as we walk in
Old conversations begin again
Nostalgia's thick as the August air
It takes us back to a time when we didn't care, we didn't care

Hey, everything's right, said everything's right tonight
Hey, everything's right, said everything's right tonight

Oh, everything's right, said everything's right tonight
Hey, everything's right, said everything's right tonight
Hey, everything's right, said everything's right tonight
Hey, everything's right, said everything's right tonight
Hey, everything's right, said everything's right tonight

Everything's right...

Posted at 08:43 pm by tomatothoughts
may (1) humirit  




Friday, September 15, 2006
curly day

Napag-usapan lang namin kung bagay ba sa akin ang kulot, eh eto at nabiyayaan ako ng libreng kulot! hahahah.. grabe tlga.. nakakatuwa...

Miyerkules ng hapon, nasa malapit kami ng condo, nag-memerienda, aba'y may lumapit na lalaking may mga nakasabit na hair-clip sa t-shirt. Sambit niya samin, "gusto niyo magpagupit? Libre lang po..", sabay turo sa WELLA parlor across the street. Nakakapagtaka naman at libre! hahaha.. un pala, pagpa-praktisan kami ng mga parlorista for their training. Hahahaha.. e pano kung masira buhok ko? hahah.. di naman siguro. "Ayoko po, nagpapahaba kasi ako eh, magpapakulot ako pag mahaba na... siya na lang po..", saka turo ko kay jeremy. HAHAHA! Pumayag naman siya. Balak din kasi niya magpagupit. Himala di ba.. timing!

Pagdating namin dun, napilit din nila ako magpagupit. Ung gupit na di halatang walang bawas. Kaunti lang daw. Edi sige. Libre shampoo/conditioner eh. Tska mahal dun pagupit! hahaha.

After ako gupitan ni ate, nag-trip-trip kami.. kulutan niya daw ako. Dulo lang. hahahaa.. at eto ang kinalabasan.

Image and video hosting by TinyPic

Di ko alam kung bagay. First time ko kasi ma-try yan eh.. HAHAHHAA!! Kaya't nagpichur-pichur ako, sayang eh.. hahaha.. sa bahay lang naman ako mamamalagi.. sayang.. hindi na umabot ang hair style kinabukasan..

Ano, halata ba?Bagay?

Posted at 01:17 pm by tomatothoughts
may (2) humirit  

no it's supergirL!

You are Superman
Superman
75%
Robin
60%
Hulk
60%
Supergirl
50%
Green Lantern
50%
Wonder Woman
45%
The Flash
45%
Spider-Man
40%
Catwoman
40%
Batman
25%
Iron Man
25%
.

You are mild-mannered, good,
strong and you love to help others
Superhero Personality Test


last ost listened is
Rescue Me
By Various Artists


Posted at 12:36 pm by tomatothoughts
may (2) humirit  




Wednesday, September 13, 2006
garapalang pulis sa mall of asia

My greatest regret for today would be our taxi experience in Mall of Asia.

Grabe talaga. Galing sa makati, pumunta kami dun para bisitahin ung booth nila daddy sa exhibit. Hindi kabisado nung taxi driver ung lugar na un kaya naghanap kami ng bababaan.

Image and video hosting by TinyPic


Lumiko kami sa red arrow para tignan kung saan puede bumaba. Malamang bank un kaya puede dumaan. Nandun din ung mga bus naghihintay pero hindi puede magsakay at magbaba dahil may sign na nakasulat. Huminto kami dun sa loob [red cross] at nakita nga ang no loading/unloading sign kaya lalabas na kami ng Ngunit nang nasa dulo na kami ng bank, hinarang kami ng isang pulis.

"bawal ho magsakay dito, akin na ang lisensiya mo!"

kami naman, "hindi po kami sumakay, kakarating lang namin, at naghahanap ng bababaan!"

"hindi,akin na ang lisensiya mo.", sabi niya sa driver namin.

"bosing naman, kararating lang namin hindi ako nagsakay!", sabi nung driver.
"ano ho ba ang violation namin aber?", pagmamataas-boses ni mommy.

"ah, NO STOPPING ANYTIME!"

"ano?!?!??! wala namang nakasulat ah!"

ARGGGGHHHH... nataranta na ang driver namin kaya binigay rin niya ang lisensya.

"O ayan, puede mo na sila ibaba jan!", sabi nung pulis pagkaabot sa kanya ng lisensiya.

Ano??!??! Akala ko ba bawal magbaba! Ngayon eh makikitaan na niya kami ng violation! Niloloko ba kami nito?!? Grabe talaga mga pulis!!! Binaba kami ng driver sa malapit sa entrance ng mall [green arrow], tas babalikan na lang niya ang pulis.

NAKAKAINIS!!!!! Naaawa ako sa driver namin.. kulang na nga ang kinikita, binabawasan pa.. cryHurmph kung nakuhanan ko lang ng spy-cam yun... AngryAngry Kung kelan kami nasa tama, dun kami hindi dumepensa ng todo... kitang-kita namang mauuwi un sa pangongotong at paghanap sa min ng violationg hindi naman namin ginawa! Kaya siguro kami pinabababa ng pulis agad sa tamang babaan eh para wala nang kakampi si manong driver.. kawawa talaga... Angry gusto kong ireklamo sa tv patrol.. ngunit walang ebidensiya.. Angry

Posted at 12:45 pm by tomatothoughts
may (2) humirit  




Thursday, September 07, 2006
Siopao Block @ 2017

Magla-logout na sana ako ng ym nang biglang mag-pop-up sa corner ng screen ang isang e-mail message: "one new message received". Nakita kong galing pala ito kay Irwin! Sabi ni irwin, "Yes! And ganda ng first baby namin ng asawa ko!" Sabi ko, "talaga?!?" "Oo! Kamukha ko! >: )" hihi, "naalala ko pa dati nung inaasar pa lang kami".. At biglang nagreminisce si Irwin.

"Love na love ko nga nung inaasar pa tayo eh, kala mo nagagalit ako pero sa totoo lang, kabaligtaran ang nararamdaman ko sayo" Sabi ko naman, "Ganun ba? Bespren?!?" hahaa.. anyway, aiun nga, nagaaya itong si Irwin ng isang salo-salo sa binyag ng kanyang baby girl. Akalain mong gagawin ba naman akong ninong! Ako na rin daw bahala sabihin sa iba kung may contact ako. Gaganapin daw ito sa Lebanon pero pag natapos na ang giyera. Dati nagkita kami ng asawa ni Irwin, kamukha ni Angelina Jolie. Mabait siya at… makapal ang labing may mahabang legs. Nakakainggit! Samantalang akala ko'y siya ang huling tao sa block na magkaka-gf. Haay! Pano kaya nagkatuluyan ang dalawa? Sige at di ko na uusisain yon. At dahil nga sa Lebanon pa ang official na binyag, imbis na bigyan pa kami isa-isa ng tiket ng eroplano para makapunta sa Lebanon, sila na lang mag-anak mismo ang pupunta rito sa Pinas para maghanda ng kaunti. Reunion na rin siguro.

Habang nag-uusap kami ni Irwin, nag-ring bigla ang doorbell. Binuksan ko ang pinto at gumulat sa akin si Happy, na graduate na rin sa CSB. Sinabi ko ang tungkol kay Irwin at "Angelina" kuno. Nakita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata at naisip kong ang chickboy naman ni Irwin. Haha. Ano kayang meron siya na wala ako? Bakit ako hindi makahanap ng Angelina ko? Dahil ba sa height? Sa color? Pare-parehas lang naman kaming nilikha ng Diyos? Di hama na mas gwapo naman ako keysa sa kanya! Kung tanungin ko kaya si Happy, "Happy tayo na lang! Tara inggitin natin si Irwin at konsensiyahing nagkamali siya!" Sagot ni Happy, "No thanks! I have my love of my life na. I'll make pakilala na lang him to you next time."

Naalala kong kailangan ko palang maghanap ng ireregalo kay Baby Irwin. Ni hindi ko nga naitanong ang name ni inaanak! Siguro Irwinnie? Haha! Sabi ko kay Happy, "Ano ba kailangan mo at naparito ka?" Sabi niya, "wala lang!" Sabay naglaho. Naalala kong nag-aaral nga pala itong si Happy ng street magic.

Bumalik ako sa pc ko sabay may message na naman. Galing kay HOP. Naku  biglang nabuhay! Ano na kayang bago sa kanya? Last I heard, nasangkot siya sa isang sindikatong nagbebenta ng mga pelukang galing sa endangered ibong adarna. Click ito sa mga kalbo! Naalala ko.. kalbo nga pala baby nila, ano kaya kung yun na lang ang regalo ko? Ay hindi pwede, banned sa eroplano. "Oi sige alis nako, may kelangan pa akong bilhin. Ay siya nga pala may binyag ang anak ni Irwin. Saka ko na sabihin ang  detalye." Sabay nag-dc nako.

Dala-dala ang aking Porsche F1, dali-dali akong tumungo sa Mall of the World – ang pinakamalaking mall sa Universe na nakuha pang matalo ang Mall of Aliens sa Mars. Manonood sana ako ng Spiderman 10 nang biglang nakasalubong ko si Alvin at Marco. Aba at hindi pa rin naghihiwalay ang dalawa. 10 years na. Si Marco ata sila na ni Nathz. Pero ibang Nathz. Di ko kilala. Si Alvin naman, matanong nga, "Anung nang balita?" Di niya nasagot ang aking tanong. Nakatingin sa malayo kaya di siguro ako narinig. Sa halip, ibinaling niya ang usapan sa kanilang mga naging trabaho. Kayapala sila magkasama ay dahil sa sila pala ay mga programmer na ngayon sa Microsoft Corporation sa tapat ng Mall of the World building. Mukha silang mga nagmamadali kaya binanggit ko na ung tunkol sa binyagan ng anak ni Irwin saka nagpaalam.

Sabi ko sa sarili ko, "Pagkatapos na ng movie ako bibili ng regalo!" Umupo ako malayo sa screen at may nakatabing babaeng naka-mini skirt. Sa tabi ng babae ay isang lalaking tingin nang tingin sa kanyang legs. Sobrang manyak naman! Teka… aba'y si Carl pala! "Kaya pala…", napag-isip-isip ko. Si Carl talaga, pasimple pa rin. Babatiin ko sana kaso concentrated siya masyado sa legs ni Miss MS (mini skirt). Aba si Anna naman pala to! Sila na ba? Hindi na nahiya kay Anna. Bakit kasama niya si Carl at hindi si Macky? "Ui Carl!!!", napasigaw ako. Buti na lang at high-tach na sa sinehan at may sari-sariling "earphone" na ang mga manonood. Napatingin naman siya sa akin. Minukaan. Sabi niya, "Hooooooy! Long time no see ah!" Ang sagot ko, "Oo! Anna, hi! Kayo ba?" Hindi raw, "dating" lang daw sila. Wushu! "Nako bantayan mo yang si Carl.. kung san-san gumagala ang mata", bulong ko sa kanya.

Tinapos ko ang Spiderman 10. Ang ganda! Si Aaron Carter na ang Peter Parker, at ang Mary Jane? Isang nagngangalang Rose McKinley, ang screen name ng isa ko pang ka-block dating si Suzanne! Big time di ba!

Palabas ako ng sinehanan nang mahulog ang aking wallet. Bago pa ako makayuko, naunahan ako sa pagpulot ng isang mama. Pagkita ko, Si Axis pala yun! Nandun pala siya kasama nina Carl at Anna pero hindi siya sumama sa loob dahil ma-thi-third wheel lang daw siya. Muntikan ko na siyang di makikilala dahil lalong lumaki ang kaniyang katawan kasi 85 times a day ba naman uminom ng steroids! At mahal niya pa rin si Ghie. Speaking of ghie, lima na ang anak nila ni Eduardo. Sina Edmicah, Michaed, Ghiedz, Edlapig at Micsguerra. Ang saya noh.. PBA team na. And speaking of basketball, nako etong si Bordon, pagkatangkad-tangkad na! Araw-arawin ba namang maka-50 tablets of Cherifer. May balak pa yatang lagpasan si Shaq.

Si Cris na pala ang presidente ng tut company. Sayang at hindi natuloy ang pagiging co-president ni Do dahil iniwan siya nito sa ere nung ikasal sila ni Paola noong nakaraang taon. Itong si Bordon, crush ng bayan pa rin! Never in his life siya nanligaw dahil siya na ngayon ang kusang nililigawan. Tatlo na ang kaniyang naging asawa. Si Angel Locsin, Heart Evang na madaling napunta sa hiwalayan, at si Jessica Alba. Sa kasalukuyan ay nagsasama sila nung panghuli at meron nang anak na lalaki na kamukha ni Angelina Jolie. Bale kamukha ng asawa ni Irwin! Haha paikut-ikot na to ah! Bigla kong naalala, naku ang misyon ko pala – ang bumili ng regalo para sa baby ni Irwin!

Nagtungo agad ako sa baby's section ng 2nd floor. Ano kayang ibibigay ko? Nang matapat ako sa glass window, nakita ko ang cute na cute na pikachu t-back. Bumili ako ng 3 for 50 pesos. Tapos ay hindi pa ako nakuntento kaya binili ko na rin si Irwinnie ng Batman girl costume para katulad sa daddy niya. Pero bigla akong nahilo. Buti na lang at nasalo ako ng maganda kong blockmate – si Jo! Siya ung teller sa cashier 5. Once siyang nanalo ng Ms. Mallwide, maliban sa naging Bb. Pilipinas-Universe last 10 years ago. Sawa na siya sa kakasali sa mga ganon kaya't lie-low muna raw siya. "Wow you're so sexy pa rin! Yeeeeesss…. hinalikan ko siya bilang pasasalamat….. at paaaaaakk!! Bigla akong sinapak ni...

[to be continued in The Siopao 2017 Series 2]


: : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : :

SINO ANG SUMAMPAL SA BIDANG HUMALIK KAY JO?

Alamin at bumili ng
copy of The Siopao 2017 Series in all leading bookstores nationwide.

Image and video hosting by TinyPic

authors: Jeje Cris Aleli Jeremy
editor: Jeje

: : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : : :

Posted at 04:28 pm by tomatothoughts
may (7) humirit  




Previous Page Next Page

ako: jeje
age: 17

schooL/s: God Loves SchooL, Christian BibLe Baptist Academy, Jesus Is Lord Christian SchooL, Amazing Grace School, ManiLa Science High SchooL, De La Salle University-Manila

home: in laguna

sports: voLLeybaLL, badminton, basket (pede na rin=P)

music: pop-baLLad, rnb, reggae, contemporary christian, alternative, sonicfLood, HiLLsong, gary v, akafeLLas...

movies: finding nemo, pearL harbour, 50 first dates, muLan, spiderman 1 and 2, FORREST GUMP!...

usuaLLy seen doing: some integrating and differentiating. haha=D, programming=D, going out with friends, being with famiLy, staying at home, window-shopping, bLog-hopping, internet, texting, singing, dancing, smiLing, hikab-ing...

usuaLLy seen at: skuL, home, church, rob maniLa, gbox, g4

usuaLLy avaiLabLe during: wala! no time!









<< October 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03
04 05 06 07 08 09 10
11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28 29 30 31








( *) yumyum!
abi
kamz
jeremy
allan
micah
irwin
larcey
powee
aleli
ericka
happy
irwin2
maan
ausczthehgz
alma
danish
meryll
faith
gerry
gail
doris
marco
sha
cris
jo
osh [!]

soupfairie cursors

My wishlist




sweetest_asukal got their Neopet at http://www.neopets.com
sweetest_asukal got their Neopet at http://www.neopets.com



tomatoes picked.








Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed